
The Principles of Heartbeat
by: Xiuxiugyu
JL Gaspar as Ace Javier
Steven Kim as Blaze Mondejas
DISCLAIMER:
This is a work of fanfiction created for entertainment purposes. The characters are based on real individuals, but the relationships, personalities, events, dialogue, and situations portrayed in these stories are entirely fictional.
Some stories may contain mature themes, romance, intimacy, suggestive content, or other sensitive situations. Please read according to your own comfort level.
These stories are not intended to represent the real lives, personalities, or relationships of the individuals who inspired the characters.
Thank you for reading, and enjoy the story!
By continuing to read, you acknowledge that this is fictional content created for entertainment.
“Kuya Ace!”
Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko nang buksan iyon ng makulit kong kapatid.
“Ano na naman ‘yan, Ares? Busy ako.”
“Gusto mo ng pera?”
“Syempre.”
Lumawak yung pagkakangisi niya kaya tinaasan ko siya ng kilay.
Ano na naman kayang naiisip na kalokohan ng batang ‘to?
Nagmamadaling umupo siya sa kama ko at hinawakan ako sa magkabilang balikat ko.
“I-tutor mo si Kuya Blaze. Malaki raw ibabayad niya kapag nakapasa siya sa elective niya.”
Napakunot ang noo ko.
“Sino naman si Blaze?”
“Yung may-ari ng computer shop sa kanto. Blaze Mondejas?”
Nagkibit balikat ako kasi hindi ko naman kilala kahit sabihin niya yung pangalan eh.
“Bakit ako ang magtu-tutor? Anong malay ko sa elective niya.”
“Arts in History yung nakuha niya eh. No choice na raw siya sa elective class niya kasi ‘yun na lang natira sa kanya last enrollment. Eh diba Fine Arts course mo?”
Napaisip ako.
Sayang din naman kung hindi ko kukuhanin. Pera rin ‘yun.
“Anong kapalit?”
Nginisian niya ako kaya kinotongan ko siya.
“Aray naman, Kuya!”
Napanguso pa siya habang hinihimas yung ulo niya.
“Ngingisian mo pa ako. Mukha kang tulok dyan.”
“Bagong headphones. Tutal ikaw naman nakasira nung akin eh.”
Tinaasan ko siya ng kilay pero tumango rin kalaunan.
“Deal.”
Masyang tumayo siya sa kinauupuan niya at hinatak ako patayo.
“Tara na!”
Halos masubsob pa ako sa kama dahil sa paghatak niya.
“Takte ka, Ares! Bakit agaran naman?! May ginagawa pa akong project!”
“Baka maunahan ako ng mga tropa ko makahanap eh. Sayang naman. Pera na nga, magiging bato pa.”
“Oo na. Bitawan mo na ako! Kaya ko maglakad mag-isa.”
Napailing na lang ako habang sinusundan siya palabas ng bahay namin.
Abala ako sa pag-scroll sa phone ko hanggang tumigil bigla si Ares sa tapat ng isang computer shop.
“Bago lang ba ‘to?”
“Hindi. Matagal na. Hindi mo lang napapansin kasi bahay school ka lang naman.”
Nagkibit balikat na lang ako at nakayukong sinundan siya papasok.
“Kuya Blaze! May nahanap na akong tutor mo!”
Abala ako sa binabasa kong module sa phone ko nang marinig ko ang baritonong boses ng isang lalaki na may Aussie accent.
“Really? Where did you find one?”
“Ito oh! Kuya ko!”
Nag-angat ako ng tingin at bumungad sa akin ang isang lalaking may singkit na mga mata.
Pambihira.
Ang pogi naman nito?
Kusang napunta ang paningin ko sa mga braso niyang nakalabas sa suot niyang muscle tee.
Halos mapanganga ako nang makita kung paano mag-flex ‘yun habang palabas siya ng counter.
Hinatak naman ako ni Ares palapit pero nabigla ako nang itinulak niya ako sa harap ng chinitong malaki yung muscles.
Muntik na akong masubsob nang maramdaman ko ang pagpulupot ng malaking braso sa beywang ko.
Nagkatitigan kaming dalawa at halos manlata ako nang nginitian niya ako.
Juicecolored.
Ngiti pa lang, ulam na.
Napatikhim ako at nag-iwas ng tingin sa kanya.
Nagmamadaling lumayo ako sa kanya at inayos ang sarili ko.
“Hello! I’m Blaze… and you are?” nakangiting bati niya sa akin.
Inabot niya sa akin yung kamay niya.
Nag-alangan ako pero inabot ko rin naman yung kamay niya.
Warahek?!
Ang lambot naman masyado ng kamay nito!
Napatikhim ako para kalmahin yung sarili ko.
“Ace.”
Lumapit si Ares sa tabi ko at inakbayan ako.
“Promise, Kuya Blaze! Makakapasa ka sa elective mo. Matalino atsaka magaling mag-drawing ‘to si Kuya Ace! Hindi ka magsisisi na siya yung tutor mo.”
“Really? Then I’m looking forward to our tutoring sessions. Thanks for accepting my request, by the way.”
“Wala ‘yun. Pwede mo na nga pala bitawan yung kamay ko.” sabi ko sa kanya.
Nakita ko kung paano namula yung tenga niya kaya napakagat ako sa ibabang labi ko para pigilan yung ngiting gustong kumawala sa labi ko.
“Oh! Sorry. Ang lambot kasi.” nahihiyang sabi niya bago bitawan yung kamay ko.
Napaiwas ako ng tingin sa kanya.
“Bigay mo sa akin yung schedule mo para mapagtugma ko yung free time natin.”
“Sure! Can I have your number?”
Napaangat ako ng tingin at parang may kung anong kiliti sa puso ko nang makita kung gaano kalawak na naman yung ngiti niya habang nakatitig sa akin.
Inabot ko yung phone niya at tinype yung number ko.
“Message mo na lang sa akin schedule mo ha? Una na ako.”
Patalikod na sana ako nang bigla niya akong hawakan sa palapulsuhan ko.
Napalingon ako sa kanya.
“Nice meeting you again, Ace.”
Tumango lang ako sa kanya bago umalis sa computer shop niya.
Simula noong araw na ‘yun, wala na atang araw na hindi kami magkausap.
Minsan kapag wala kaming klase or kahit wala kaming ginagawa kapag weekends, madalas niya akong niyayaya lumabas.
Higit pa roon, lagi rin siya yung nagbabayad ng mga kinakain namin.
Madalas din siya tumawag sa gabi kahit wala naman kaming importanteng pag-uusapan.
Hindi ko tuloy mapigilang kiligin sa tuwing kasama o kausap ko siya.
Pero kahit ganoon pa man, iniiwasan ko pa rin na i-entertain yung nararamdaman ko.
Happy crush lang naman eh.
Isa pa baka mamaya mailang siya kapag nalaman niya na nagkakagusto na ako kahit dapat tutor lang ang ganap ko rito.
Masabihan pa akong assuming.
Pero sa loob ng halos dalawang buwan na kasama ko siya, mas lalo kong nakilala si Blaze.
Makulit, malambing at higit sa lahat mapang-asar.
Yung pang-aasar niya, hindi yung typical na pang-asar.
Katulad na lang ngayon.
Linggo ng umaga pa lang ay nagpunta na ako sa bahay nila para turuan siya pero wala naman siyang ibang ginawa kundi ang titigan ako kaya hindi ko tuloy maiwasang ma-conscious.
Pahapon na pero ganito pa rin ang sitwasyon namin.
Katulad ng madalas kong ginagawa, isinasawalang bahala ko na lang ‘yun o hindi naman kaya ay sinusungitan ko siya para mapagtakpan yung nararamdaman ko.
“Huwag mo akong titigan. Hindi ka makakasagot sa klase mo kung puro titig lang gagawin mo sa akin.” sita ko kay Blaze habang tinuturuan ko siya sa assignment niya.
“Bakit kasi ang ganda mo sa paningin ko?”
Kinunotan ko siya ng noo pero ramdam ko ang malakas na pagkabog ng dibdib ko sa sinabi niya.
Madalas niya naman ako kino-compliment pero ewan ko ba, iba pa rin yung epekto sa tuwing babanat siya ng ganoon sa akin.
“Hindi mo ako madadaan sa mga linyahan mo, Mondejas. Sa module ang tingin, hindi sa akin.”
Napabuntong hininga siya bago isinandal yung noo niya sa balikat ko.
“Ang hirap naman ng arts. Aba malay ko ba kung bakit kailangan pa ng golden ratio sa drawing eh stick man nga lang kaya kong gawin.”
Pinisil ko siya sa magkabilang pisngi sa gigil ko sa kanya.
“Aray!”
“Kaya nga kita tinuturuan eh. Simple lang naman yung plate na pinapagawa sa’yo tapos puro written exam na yung iba.”
“Madali naman na ‘yan written exam. Yung pinapagawang painting lang naman yung mahirap.”
Napanguso siya habang nakatitig sa akin.
Tinaasan ko naman siya ng kilay.
“Oh sige kung madali, ano yung core principles of art?”
“Sus. Ang dali naman. Balance, emphasis, movement, proportion, rhythm, unity and variety. Parang ‘yun lang eh.”
“Yabang mo.”
Napakibit balikat siya habang natatawa.
“Syempre madali lang ‘yun kasi ikaw yung iniisip ko kapag yung core principles yung usapan eh.”
Kinunotan ko siya ng noo.
“At bakit ako naman aber?”
“Parang description mo lang kasi.” nakangising sabi niya habang pinapakurba yung mga kamay niya sa harap ko.
Malakas na hinampas ko siya sa braso pero tinawanan niya lang ako.
“Puro ka kalokohan. Peste ka! Pero pagdating sa history ng arts, hindi mo alam! Hindi ka nga makapagbigay ng sikat na painting noong unang panahon!”
Napakamot siya sa ulo niya.
“Isa lang naman kasi yung painting na alam kong maganda sa paningin ko eh.”
Napairap ako sa kawalan.
Ano na naman kayang ibabanat ng isang ‘to?
Pambihira talaga.
Gwapo talaga pero may sayad minsan eh.
“Ano? Monalisa?” sarkastikong tanong ko sa kanya.
“Hindi.”
“Eh ano?”
“You.”
Naramdaman ko ang pagpanhik ng init sa magkabilang pisngi ko.
Akmang iiwas ako ng tingin sa kanya nang bigla niya akong hawakan sa magkabilang balikat ko.
Napalunok ako.
Pakiramdam ko nanunuot sa buto ko yung paraan ng pagtitig niya sa akin.
“Ace.”
“Oh? Ano na naman?”
“Single ka diba?”
Napalunok ako sa tanong niya.
“Oo. Bakit?”
“Pwede manligaw?”
Napanganga ako sa sinabi niya.
Walang namutawing salita sa mga labi ko. Tinatansya kung babanat ba siya na nagbibiro lang siya.
Pero hindi…
Walang nakakalokong ngisi. Walang joke lang.
“H-hoy, Blaze. A-Anong pinagsasasabi mo?”
“I know we’ve only known each other for two months. You might think I’m moving too fast, but I just want to be honest with you about how I feel.”
Napalunok ako.
“I like you, Ace. Gusto kita simula pa lang noong makita kita sa computer shop. Akala ko may bumabang anghel para sagipin ako.”
“Sagipin saan? Sa elective mo?”
Natawa siya sabay kurot sa magkabilang pisngi ko.
“Hindi. Bumaba ka para sagipin yung puso ko.”
Natawa ako sa sinabi niya.
“Ang corny mo!”
“Pero seryoso ako. Gusto ko manligaw.”
Napakagat ako sa ibabang labi ko.
“Eh paano kung hindi naman pala kita gusto?”
“Edi gagawa ako ng paraan para magustuhan mo ako.”
“Wow. Parang may kumpyansa ka sa sarili mo ha?”
“Syempre naman. Hindi ka ba kinikilig sa akin? Kahit kaunti man lang?”
Inilapit niya yung mukha niya sa akin kaya naramdaman ko ang lalong paglakas ng kabog ng dibdib ko.
Hindi ako nakasagot agad kaya nakita ko ang pagbagsak ng balikat niya.
“Eh paano kung kinikilig ako? Anong gagawin mo?”
Napaangat siya bigla ng tingin sa akin kaya napangisi ako.
Bakas ang pagkagulat niya sa sinabi ko pero kita ko ang pagpula ng magkabilang pisngi niya.
“Ace… Hindi ka naman napipilitan no?”
Umiling ako.
“Gusto rin kita, Blaze. Matagal na.” nakangiting sabi ko sa kanya.
Napatili ako nang bigla niya akong hatakin kaya napaupo ako sa kandungan niya.
“Ang landi mo! Sinabi ko lang gusto rin kita, nakandong mo na ako agad.”
“Mamaya na tayo mag-aral. Ida-date muna kita.” nakangising sabi niya kaya napairap ako sa kawalan.
“Date? Padilim na! Mag-aral ka muna bago landi.”
“What? Uso ‘yun ngayon. Date night. Mas sweet. Mas memorable.” nakangiting sabi niya.
Tinaas baba niya pa yung kilay niya habang hinihimas yung magkabilang beywang ko.
Napakagat ako sa ibabang labi ko sabay pisil sa magkabilang pisngi niya.
“Pasalamat ka gwapo ka.”
“Thank you.”
Natatawang hinampas ko siya bago tumayo sa pagkakakandong sa kanya.
“Tara na nga, date na tayo.”
Pinagsalikop niya yung mga kamay namin kaya hindi ko maiwasang mapangiti.
“Let’s go, baby. I’ll give you the best date night ever.”
—FIN
